top of page
Search

Chapter 9: Ang Haliparot

Mga isang linggo na mula nang dumating si Marites sa Barangay Iba. Nakita siya ng mga kapitbahay na lumabas ng kanyang bahay. Maayos ang bihis, naka-bistida na hanggang tuhod, naka-pusod ng maayos ang buhok, mukhang may importanteng lakad. Mabait naman ang mga taga-Kalye Crisostomo, yung mga nakasalubong niya kahit hindi pa niya nakikilala ay binati sya ng "magandang umaga".


Mapapadaan si Marites sa tindahan sa kanto ni Aling Elen. Noon nya naramdaman ang init ng araw kaya naisipan niyang bumili muna ng softdrinks. Kumatok sya sa maliit na bukasan ng tindahan. Natuwa naman si Aling ELen na nakita nya na rin si Marites na laging pinagpipistahang pagkwentuhan ng mga lasenggo sa tindahan niya. Nakita na nya ngayon- oo nga naman, maganda itong babaeng ito, kakaiba sa mga residente ng baranggay kaya nga kung pagpantasyahan ng mga lalaki dito ganun na lang.


Oorder si Marites ng softdrinks. Kukuha si Aling Elen at isasalin na niya ito sa plastic na may straw. Iaabot nya ito mula sa maliit na bukasan. Nginitian siya ni Marites at ibinigay ang bayad. Ngingitian din sya ni Aling Elen.


MARITES: Salamat!


ELEN: Naku huwag mo na kong "pino-po", ito naman. Sige, ingat ka dyan.


Mabait naman talaga ang mga taga-barangay na ito kung sa pakikisama lang, pero may mga iba talaga ang takbo ng isip. Mula sa tapat ng tindahan makikitang nakatanghod sa bintana nila si Lorena at kasama na naman niya si Belinda, papanoorin nila si Marites habang naglalakad na ito papalayo mula sa tindahan.



LORENA: Bakit ba pumunta dito yan? Akala ko ba mayayaman yung mga napangasawa ng mga anak ni Ka Poleng?


BELINDA: Balita ko yan daw yung bunso, nakapagtapos sa Maynila kaso hanggang ngayon wala pang asawa.


LORENA: Bakit kaya? May itsura naman siya.


BELINDA: Palagay ko may bahong tinatago yan.


LORENA: Bakit naman?


BELINDA: Alam mo naman mga babae sa Maynila ibang mag-isip. Lalo yang mga ganyang edad tapos wala pang asawa, yang mga ganyan yung hindi naniniwala sa kasal kaya ok lang kahit papalit- palit ng kinakasama.


LORENA: Halah Belinda!


BELINDA: O baket? Di malayong mangyari ah.



Mapapaisip si Lorena, tatanawin si Marites na naglalakad na palayo. Kung tutuusin wala namang mali sa itsura at paggalaw ni Marites, pero sa utak ni Lorena may nabago, maiimagine nya ngayon si Marites habang hawak ang softdrinks na nakasalin sa plastic- pipisilin ito ng kamay ni Marites na may pulang nail-polish, habang naglalakad, habang hinihigop akala mo nektar ang natikman at

mapapangiti ito ng senswal. Nang mapawi ang uhaw, tatanggalin nya ang ponytail at maglulugay ng buhok, wild na medyo curly at seductive na ang dating nya. Pati ang kanyang suot tila nagbago sa imahinasyon ni Lorena, kung nakita natin itong maayos at konserbatibo nang lumabas ng bahay niya si Marites, sa utak ni Lorena hapit na hapit na ito sa mga hubog ng katawan ni Marites, bukas ang harap at kita ang cleavage at ni hindi na ito umaabot sa tuhod.


Sa scenario na naiimagine ni Lorena na ganito ang itsura ni Marites, makikita nya na may mga kapitbahay silang matatanda na makakasalubong si Marites at titingnan ito mula ulo hanggang paa. May matandang lalaking hindi mapupuknat ang pagkakatingin dito kaya babatukan na sya ng kasama nitong matandang babae. Pero im


bes na ma-ilang sa ganito si Marites matatawa pa ito at mukhang enjoy na enjoy ang atensyon na nakukuha.


Maririnig nya ang boses ni Belinda.


BELINDA: Anong malay natin kung ano ba talaga ginagawa nyang babae na yan dito. Ilang araw pa lang syang nandito kung sino-sino nang lalaki nakakapasok sa bahay nya. Tinanong mo na ba si Felix kung anong ginagawa


nila kapag nagpupunta siya sa bahay ni Marites?


Makikita na ngayon sa mukha ni Lorena na namumuo ang insecurity sa sinabi ng kaibigan. Oo nga no? Bakit nga ba ganun si Felix nitong mga nakaraang araw? May kinalaman kaya ang pagpunta-punta niya sa bahay ng Marites na ito?




All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

 
 
 

Comments


follow us:
  • White YouTube Icon
LDC
Sa alamat na ito, sino si ba ang totoong Marites?

All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

Thanks for submitting!

© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page