Chapter 11: Ang May Nakakahawang Sakit
- Aileen Kessop
- Jul 7, 2022
- 2 min read
Nang ikalawang linggo na mula nang dumating si Marites, naglalakad siya galing sa palabas ng Kalye Crisostomo. Gaya ng dati, maayos ang suot, naka-ponytail pero nang medyo nakalayo na siya sa bahay mapapansin niyang yung mga nakakasalubong nya hindi sya binabati, tatanguan lang siya ng pilit. Yung iba tila umiiwas pa.
Magtataka si Marites, pasimpleng aamuyin ang suot, pero wala namang amoy kaya lalo syang magtataka kung bakit.
Gaya rin nang dati hihintuan nya yung tindahan ni Aling Elen. Kumatok sya sa maliit na bintanang natatakpan ng kahoy.

Nang bumukas ito, magugulat si Aling Elen nang makita na si Marites pala ang customer, ninenerbyos pero kakalma din naman kaagad para hindi mahalata ng dalaga.
MARITES: Pagbilan po ng softdrink.
Tatango si Aling Elen at kukuha na ng bote sa loob ng ref. Kukuha ng plastic na lalagyang may nakasuksok nang straw at walang kibong ilulusot sa maliit na bukasan.
Mula sa labas makikitang iaabot kay Marites yung softdrinks, Iaabot naman nya ang bayad.
MARITES: Salama...
Bago pa nya matapos yung sinasabi, hinablot na ni Aling Elen ang pera at isinara agad yung maliit na bintana. Magkukunyaring may kukunin sa loob ng bahay nya kaya aalis din sa tindahan.
Magtataka naman si Marites kung bakit kaya hindi siya binati gaya ng dati nitong tindera, aalis na sana siya pero sa di kalayuan mula sa tindahan makikita nya si Junjun. Kakawayan nya ito at lalapitan.
Mula sa loob ng tindahan, magbabalik si ALing Elen at tahimik na sisilipin kung ano ang ginagawa ni Marites. Masisilip nyang kausap nga nito ng masinsinan si Junjun sa gilid ng daan habang hawak pa nito yung bisikleta.
Makikita natin na nakasilip para tumingin sa labas si Elen pinapanood si Marites.
Hihinto sa harap ni Marites si Junjun na naka-bike uli. Mag-uusap sila sandali sa kalsada.
Ilalapit ni Aling Elen yung tenga nya para marinig ng mabuti ang usapan.
MARITES: Kausapin mo sya ha. Kasi baka iniisip nya nagalit ako, pero wala lang sa kin yun. Salamat ha.
Tatango si Junjun tapos aalis na si Marites.
Biglang tatawagin ni Aling Elen si Junjun at lalapit naman ito sa tindahan.
ELEN: Ikaw Junjun, mag-iingat ka sa babae na yan, dikit ka ng dikit, baka mahawa ka sa sakit nyan.
JUNJUN: Ha?
ELEN: Naku, tatanga-tanga ka kasi. Basta mag-iingat ka dyan sa Marites na yan.
Malilito lalo si Junjun, pagsasaraduhan sya ng takip ng butas ng tindahan. Mapapakamot sya ng ulo pero magba-bike na sya paalis.
All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.
Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com
Comments