top of page
Search

Chapter 12: Ang Mga Hindi Imbitado

Lumipas ang ilan pang linggo sa Barangay Iba. May ilangpagbabago sa Kalye Crisostomo. Yung dating bahay ni Ka Poleng ay unti-unting naisaayos dahil na rin kay Marites, may mga trabahante silang na-hire ni Junjun na nakatulong para hindi na mukhang haunted house yung bahay. Yun nga lang, tila habang gumaganda ang panlabas na anyo ng bahay, pumapangit ang pakikitungo ng mga kapitbahay kay Marites. Kapag lumalabas siya wala nang bumabati sa kanya at halos umiiwas na kapag alam na makakasalubong siya.


Ang bahay ni Felix at Lorena naman, hindi na nanahimik. Lumala ng lumala ang pag-aaway ng mag-asawa, daig pa ang drama sa radyo kasi kahit sa mga kapitbahay may timeslot na tong dalawa kapag nagsimula nang magbangayan. Kaya sa gabi makikitang lumalabas ng bahay nila si Felix at pupunta kung saan, nasisilip pa ito minsan ni Aling Elen, pupunta ito sa direksyon ng bahay ni Marites at napapailing na lang ang tindera.

Kaya isang araw, sa loob ng bahay ni Lorena darating si Belinda para dalawin ang kaibigan, mas mukhang blooming ngayon si Belinda kaysa kay Lorena na halata ang mga hinanakit sa buhay sa itsura. Padabog nitong nililinis ang kanilang sala.


BELINDA: Ano ba yan Lorena? Anong problema mo?


Ititigil ni Lorena ang ginagawa at itatapon ang walis sa sahig.


LORENA: Itong hayup na Felix na ito buong araw na ngang wala kakahanap ng marerelyebuhan sa trabaho, uuwi ng gabing-gabi na tapos laging pagod. Wala nang panahon sa kin.


Mapapaupo si Belinda, titingnan ang kaibigan, nag-aalangan kung ano ang sasabihin para gumaan ang loob.


BELINDA: S-sabi ko naman sa yo noon ganyan talaga pag mag-aasawa e.


LORENA: Wala kaming problema noong bagong kasal kami... Iniisip ko baka kaya wala na siyang gana sa akin kasi hanggang ngayon wala pa rin kaming anak.


BELINDA: Ha?


LORENA: Di ba ganun yun? Yung mga lalaki mas nagiging loyal sa mga asawa nila pag nakikita nilang may mga anak na sila.


Mapapangiwi si Belinda sa sinabi ni Lorena.


BELINDA: Mas marami akong alam na lalaking nawalan ng gana sa mga asawa nila nang malosyang na pagkatapos manganak.


Mapapa-isip si Lorena sa narinig.


BELINDA: Oo, gusto ng mga lalaki kung paano ka nung una ka nilang makilala ganun ka lang hindi ka papangit. Malay mo kaya nagkakaganyan yan kasi may iba na palang babae.


Magugulat si Lorena, marami syang kinabubwisitan sa asawa pero hindi nya naisip na baka nga seryosong may nilalandi na itong iba. Matitigilan si Belinda, maiisip na dapat yata hindi nya sinabi yun dahil baka lumala ang disposisyon ni Lorena.


LORENA: Oo nga, tama ka.


Makikita mula sa bintana nila na dumadaan si Marites sa kalsada sa tapat nila. Titingnan sya ng masama ni Lorena.


LORENA: Kung tutuusin, nagsimulang magka-ganyan si Felix mula nang dumating yang Marites na yan dito. Hindi kaya?


BELINDA: Ewan ko.


LORENA: Tara pumunta tayo ngayon kay kapitana makibalita tayo baka nakikita nya si Felix dun sa bahay ni Marites kapag gabi.


BELINDA: Ha? Ay ayokong pumunta ngayon dun, may handaan sila baka sabihin gusto lang natin makikain.


LORENA: May handaan sila hindi tayo inimbitahan?


Iiling si Belinda.


LORENA: Di bale, akong bahala.


Naghahanap si Lorena sa isang kahon at may binunot na lagareng maraming kalawang.


LORENA: Dali na samahan mo ko.


Magtataka si Belinda pero mapipilitan ding sumunod kay Lorena habang papalabas na ito ng pinto.


Darating sina Lorena at Belinda sa bahay ni kapitana na may handaan, katapat ito ng bahay ni Marites.

LORENA: Kapitana, isosoli ko sana itong lagare mo


KAPITANA: Ha? Anong lagare?


LORENA: Ito oh.


Iaabot ni Lorena yung lagare na dinala nya mula sa bahay. Mag-aalangang abutin ni kapitana.


KAPITANA: Teka amin ba yan?



LORENA: Naalala ko kasi sa inyo ito hiniram ni Felix, nakita ko kasi nagliligpit ako kanina sa bahay... Ay! May party pala kayo dito.


Mapipilitan si Kapitana ngayong imbitahin ang dalawa.


KAPITANA: Aaah... oo, tara kayo makikain muna kayo dito, nandito na lang din naman kayo.


LORENA: Naku nakakahiya naman kapitana, magsosoli lang naman talaga ko ng lagare.


KAPITANA: Naku! Huwag na kayong mahiya, tara na kayo.


Tatawagin ni kapitana ang katulong nitong si Nancy.


KAPITANA:(pabulong) Pst! Asikasuhin mo tong mga bwisita, dalhin mo na rin to.

Iaabot ni kapitana yung lagare.



NANCY: Ano pong gagawin ko dito?


KAPITANA: (pabulong) Itapon mo sa likod, hindi atin yan.


Papapasukin na sa loob sila Lorena at Belinda, magtitinginan ang dalawa, kikindatan ni Lorena si Belinda.





All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

 
 
 

Commentaires


follow us:
  • White YouTube Icon
LDC
Sa alamat na ito, sino si ba ang totoong Marites?

All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

Thanks for submitting!

© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page