top of page
Search

Chapter 10: Ang Mang-aagaw ng Asawa

Mga ilang araw na ang nakakaraan mula nang simulan nang pagtsismisan ni Lorena at Belinda ang bagong kapitbahay, nag-iinuman na naman ang mga kalalakihan sa tindahan ni Aling Elen. Mapapadaan uli si Felix, kakaiba yung kilos nya, lumilingon-lingon sya sa bahay nila na nasa tapat, tsaka sa kabilang direksyon papasok ng Kalye Crisostomo, akala mo may inaabangan.


Kahit napansin ni Benok ang kakaibang kinikilos ng kabarkada, hindi nya ito uusisain dahil may iba syang mas gustong malaman.


BENOK: Hoy! Ano na? Ano na yung nangyari sa inyo nung chicks na bagong salta?


DONG: Nakita ko yan noon 'pre, lumabas sa bahay ni Marites nakahubad na yung T-shirt.




Yung huling sinabini Dong, dinig na dinig ito kahit sa loob ng tindahan ni Aling Elen, kaya nga matitigilan ang tindera sa ginagawa niya at pasimpleng uupo sa loob ng tindahan para makinig sa kasunod na sasabihin ng mga lasenggo sa labas.


BENOK: Weh! Ano nangyari? bakit nakahubad ka na?


Tutungga si Felix ng isang shot na inaalok ni Benok, hihinto, tila iniisip yung sasabihin bago magkwento.


FELIX: Ewan ko kung ganun ba talaga yung mga babae sa Maynila pre, pero iba tong babaeng to...


Maalala ni Felix yung araw na iyon nung isang linggo, pangalawang araw ng pagkukumpuni. Tinuturnilyo niya ng huling beses ang valve sa tabi ng bathtub ng isa pang banyo sa bahay ni Marites. Nang masiguro nang mahigpit ito, kukunin nya ang shower head at ite-testing nya. Dadaloy ang tubig ng maayos. Isasara nya yung pihitan at hihinto naman ng maayos ang tubig.


Mula sa likod nya maririnig nya ang boses ng isang babae.



MARITES: Nagawa mo na?


Mapapalingon si Felix at makikita nya si Marites in dream mode na naman. Nakasuot si Marites ng puting damit na parang kamison na may manipis na strap. Lalapit sya kay Felix at aabutin ang shower head sa harap- sobrang lapit kay Felix kaya mapapalapit yung dibdib nya sa mukha nito.


Pipihitin ni Marites yung gripo at lalabas ang tubig sa hawak nitong shower head. Magugulat siya at matatawa. Itututok nya yung shower head kay Felix at mababasa ang T-shirt ni Felix. Magugulat si Felix, mawawala sa pagkatulala pero para pa rin siyang nananaginip. Mabagal niyan tatanggalin ang nabasa nyang T-shirt.



Papanoorin siya ni Marites habang ginagawa nya ito, mapapakagat labi pa at nang makita nya ang abs ni Felix- tila mapapaso sa nakita kaya itututok nya sa sarili nya yung shower head at mababasa rin sya. Mababakat na naman yung boobs nya sa suot nitong damit, tila wala na namang suot na bra.


Magmumukhang naliligo sila sa ulan kasi basang-basa na sila. Unti-unti magkakalapit sila at maghahalikan- malalim, torrid. Sisirain ni Felix yung suot ni Marites na kamison at itutuloy nila ang paghahalikan habang pareho silang pupwesto sa bath tub na unti-unting napupuno ng tubig.


Sa imahinasyon ni Felix tuloy-tuloy lang ang nagaganap sa kanilang dalawa ng babae hanggang sa halos umapaw na ang tubig sa bathtub at napupuno rin ang banyo ng mga ungol nilang pa


reho, sabay sa pag-apaw ng tubig ang pag-apaw ng nararamdaman ng kanilang mga katawan.


Biglang kakagat ng malutong na chicharon si Aling Elen habang nakikinig sa kwento. Hihinto si Felix sa pagke-kwento. Mukhang hindi na humihinga yung mga nakapalibot sa kanya. Mapapalunok si Benok.


BENOK: Ibig mong sabihin natira mo na si Marites?


Mag-aalangang sumagot si Felix, mapapalingion sa bahay nila na nasa tapat lang.


FELIX: Huwag kayong maingay, oo syempre secret lang baka marinig kayo nila Lorena.


Magtatawanan a


ng mga lasenggo.


Pero bigla ring hihinto at mananahimik dahil padaan pala si Belinda na galing sa bahay nila Lorena, mukhang galing rin sa chismisan. Tila tensyonado habang dumadaan si Belinda na nakatingin sa mga lalaki, tila nang-uusig. Narinig kaya niya yung mga sinabi ni Felix? Kung sakali man, magsusumbong kaya ito kay Lorena?


Halos hindi makahinga ang mga tomador hanggang makalayo na si Belinda. Nang masiguro nang malayo ito, tsaka lang uli gagalaw si Benok at Dong, mapapakamot ulo si Felix.


Magtatawanan uli yung mga kasama niya.


BENOK: Huh! Maniwala naman kami sa 'yo Felix. Ganun ba talaga yon?


Mapapapalatak si Felix. Wala talagang tiwala sa sex appeal nya tong mga kausap. 'Di ba nga at napikot sya sa lak


as ng dating nya sa mga babae? Mapapalingon sya kay Kenny na halos nakalimutan niyang kasama nga pala sa umpukan.


FELIX: Ayan o tanungin nyo si Kenny. Di ba Kenny nakita mong nandun ako noong araw na yun?



Titingin ang mga lalaki kay Kenny, mag-aalangan sumagot si Kenny, parang naguguluhan sya sa kung anong naaalala nya nung araw na sinasabi ni Felix. Iniisip nya uli kung ano ba yung nakita nya.


Yun yung araw na una syang kumatok sa bahay ni Marites dahil pinapunta sya ni Junjun. Nung papapa


sukin na dapat si Kenny ni Marites ay biglang lumabas si Felix na walang T-shirt. Inaalala ni Kenny ng dahan-dahan sa utak kung tama ba yung mga detalyeng nakita nya. Bakit nga ba ngayong narinig na nya yung kinuwento ni Felix, tila parang mas malagkit ang tinginan ni Marites at Felix kumpara sa nung una niya itong nakita.


Tila mas malambing na pipigilan ni Marites si Felix bago ito makalayo.


MARITES: Felix, Salamat ha!


Sa alaala ni Kenny, lilingunin niya si Marites at makikita niya itong malagkit ang tingin kay Felix. May mapang-akit ding ngiti sa bibig nya para sa lalaki, tapos kikindatan pa nito si Felix. Ngingiti si Felix, dahan-dahan din lilingon sya kay Kenny na nakatingin sa kanila, dito nya sya kikindatan - "oo parang ganito nga ang nangyari... ganito nga ba?"


Naalala niya yung pagkindat sa kanya ni Felix. Susundan niya ng tingin si Felix hanggang makalayo ito. kahit sa ala-ala niya di rin sya sigurado kung ito nga ba yung nangyari.


Maaalis lang sa pagkatulala si Kenny nang abutan sya ng shot glass ni Dong. Oo nga pala, nasa inuman pa rin pala siya. Paano nga ba sya dapat kumilos pag kasama itong mga tomador ng barangay? Barubal ba? Sasang-ayon na lang ba sya sa mga sinabi ni Felix, mukha namang yun ang gustong marinig ng mga ito. Pero hindi rin naman siya inusisa pa ng mga ito. Kinuha lang nya ang baso at tinungga atsaka siya tinapik sa likod ni Dong.


Bago pa maging klaro ang utak ni Kenny, tumayo na si Felix, mukhang di pa rin mapakali.



FELIX: 'Pre alis muna ko.


BENOK: San ka pupunta? Uuwi ka na?


Mapapakamot ulo si Felix. Lilinga-linga, nang makitang wala si Lorena sa may bintana haharapin ang mga barkada.


FELIX: Hindi, may nakalimutan ako kila pareng Samson sa kabilang kanto, balikan ko lang bago sila matulog.


Aabutan sana ng isa pang shot ni Benok si Felix pero naglakad na ito palayo. Magtitinginan ang mga lalaking naiwan sa umpukan, Si Benok na lang din ang tumungga sa hawak na shot.




All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

 
 
 

Comments


follow us:
  • White YouTube Icon
LDC
Sa alamat na ito, sino si ba ang totoong Marites?

All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

Thanks for submitting!

© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page