top of page
Search

Chapter 13: Ang Nahuli Pero Di Nakulong

Updated: Aug 11, 2022


Nakihalo sa umpukan ng na mga bisita ni kapitana sila Belinda at Lorena, kumakain sa sala- may mga naka-paper plates. Mula sa sala tanaw yung bahay ni Marites. May iniinom na gulaman si kapitana.


Sa bintana, may magdadaan na lalaki na naglalakad habang nagyoyosi, si GABO. 30 yo. Biglang magkakalabitan si Nancy at Malou.


NANCY: Kapitana, nakabalik na dito sa barangay si Gabo.


Ingunguso ni Nancy ang lalaking nakita sa bintana.


KAPITANA: Ha? Nakalabas na ba sya?


Sisilipin ni Kapitana sa bintana.


Dadaan si Gabo na hindi sila napapansin. Unang tingin pa lang mukhang astig na, pati sa paglalakad habang nagyoyosi.


Ganito syang nakikita lagi ng mga kapitbahay sa Kalye Crisostomo. Lalo noong bago pa siya nakulong, iniiwasan na siya ng mga tao. Kapag hapon at naglalaro na ng patintero ang mga bata, ititigil ng mga ito ang laro nila at magtatakbuhan nang palayo sa takot. Hindi naman nababahala si Gabo, mas naaasar siya dahil kung tutuusin wala naman syang ginawang masama sa mga bata na ito, pero malamang kung anu-anong storya na ang sinabi ng mga tsismoso't-tsismosang magulang ng mga ito kaya ganito na lang sila katakot.


Nang isang beses na naanyayahan syang uminom, nagkwentuhan ang mga kainuman

tungkol sa mga basagulero sa ibang bayan, biniro nila si Gabo na baka mali sya ng bayan na natirhan. Dun na nagpantig ang tenga niya kasi sa lahat ng ayaw nya yung tinatawag s


yang basagulero... kaya nga sinimulan na nyang mag-basag-ulo para matahimik na ang mga kasama niya. Tama naman, mabilis na nagsi-uwian ang mga ito. Pero laking perwisyo sa may-ari ng tindahan na si Aling Elen, sino magliligpit ng gulo?


Lalong nangasim ang pakikitungo ng mga tao kay Gabo. Lalo syang ginawang number one topic ng mga tsismosa.


Isang araw habang naglalakd syang pauwi bigla na lang may humintong jeep ng mga pulis sa harap nya. Nung una akala nya nagkataon lang pero nang masama na ang tingin sa kanya kinutuban na sya kaya nagtatakbo sya palayo- maling desisyon, kasi lalo syang hinabol at nagkaroon pa lalo ng dahilan ang mga yun na posasan sya nang mahabol na sya ng mga ito.


Nagsisisigaw sya habang kinakaladkad pasakay ng jeep, sa di kalayuan naririnig nya ang isang pulis na may kausap


PULIS: Sigurado ka bang siya yung nakita mo na nangholdap dun sa babae?


WITNESS: Opo, sya yun.


GABO: Hoy! Anong pinagsasasabi mo?! Wala akong hinoholdap!


Pero di na siya pinapansin ng mga kasama, pinasakay na sya sa


jeep.


GABO: Wala akong kasalanan! Wala akong hinoholdap! Ano ba? Wala kayong pruweba! Pakawalan nyo ko! Lagot sa kin yang informer nyo! Sinungaling sya!


At totoo naman ang sinabi nya, wala silang napatunayan. Mabuti na lang at nakapag-delihensya ng pang-piyansa at hindi na naituloy ang kaso dahil walang ebidensya. Nagpalamig lang muna sya sa bahay ng pinsan nya pero ngayong nakabalik na siya sa Barangay Iba, gusto nyang makapaghiganti sa mga bwisit na kapitbahay nyang to.



Nakasilip pa rin si Kapitana sa bintana na pinapanood si Gabo habang naglalakad palayo. Kita ang pagkabahala ni kapitana sa mukha niya


MALOU: Naku ano ba yan kapitana? Baka gumulo na naman dito sa barangay.


NANCY: Oo nga.


KAPITANA: Wala naman tayong magagawa taga dito naman talaga yang si Gabo. Hayaan nyo kakausapin ko yan pag nagkita kami. Baka naman nagbago na sya.


Lalapit naman si Lorena, bubuwelo para sa pagtatanong.



LORENA: Kapitana, Kamusta ba yang kapitbahay nyo?


Ingunguso niya ang bahay sa tapat.


KAPITANA: Itong si Marites?


Tatango si Lorena.


LORENA: May napapansin ba kayong kakaiba o dapat naming malaman?


Mapapaisip si kapitana.


KAPITANA: Wala naman... Siguro yung halos araw-araw lang


siyang may pinupuntahan. Bumabalik din naman bago mag-gabi pero hanggang ngayon kasi di ko alam kung anong trabaho nya e.


Lalong lalapit si Lorena kay kapitana.


LORENA: Kapitana, hindi kaya pokpok sya sa bayan?


Muntik mabuga ni kapitana yung gulaman na iniinom nya.


KAPITANA: Ano? ... pokpok?




LORENA: Di ba nakita nyo naman itsura tuwing umaalis mukhang may pakay lagi, halos lumuwa yung dede.


Mapapa-isip si kapitan,a medyo ma-stress sa posibilidad. Mapapatingin kay Kenny na tahimik lang na nakikinig sa sulok.


KAPITANA: Kenny, di ba namintura ka na dyan kay Marites? May alam ka ba? May sinabi ba sya sa yo?


Magugulat si Kenny, hindi sya komportable sa tinanong ng ina. Mapapatingin sya kila Nancy at Malou na natatawa. Mapaparanoid si Kenny, pakiramdam nya ngayon sya yung pinag-uusapan.



KENNY: H-hindi ko po alam ‘nay.


Aalis bigla si Kenny. Magtataka si kapitana sa reaksyon ng anak.


Mapapatingin sila sa labas kasi may dumating na kotse sa tapat ng bahay. Bababa si Marites mula sa kotse, papasok na sa bahay niya ito at aalis na yung kotse. Magtataka sila kapitana at mga bisita nya habang nakatanaw mula sa bintana



KAPITANA(pabulong):... pokpok?...







All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.


Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

 
 
 

Comments


follow us:
  • White YouTube Icon
LDC
Sa alamat na ito, sino si ba ang totoong Marites?

All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

Thanks for submitting!

© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page