CHAPTER 2: Ang Lumang Bahay ni Tandang Poleng
- Aileen Kessop
- Jun 9, 2022
- 2 min read
Updated: Jun 23, 2022

Sa tapat ng bahay ni Tandang Poleng, nakatayo si Maria Teresa, tinitingnan ang bahay parang nag-aalanganin. Mula sa tapat may lalabas sa bahay si KAPITANA MEL, 50yo, chubby, mukha namang jolly pero usyusera mode.
KAPITANA: Hello! Sino sila? May hinahanap ka ba?
Lilingunin pa lang sana ni Maria Teresa ang narinig nya nang maramdaman nyang katabi na nya pala ito.
KAPITANA: Ako nga pala yung kapitana dito, ako si Kapitana Mel, baka may maitulong ako sa iyo kung sakali.
MARIA TERESA: Magandang hapon po! Ako si Maria Teresa, apo po ako ni Tandang Poleng. Anak ako nung bunso nyang si Rowena.
KAPITANA: Aaaah! Oo yung nakapag-asawa ng taga-maynila, oo kilala ko yung nanay mo, kalaro namin yun nung mga bata pa kami. Huling kita ko sa nanay mo baby ka pa yata noon, tama ba?
Tatango si Maria Teresa.
KAPITANA: Ikaw si Marites!
Mag-oobject sana si Maria Teresa pero tatango na lang siya.
MARITES: O-opo, matagal na nga po yung huling punta namin. Sa Maynila na kasi tumira si lola mula nang magkasakit at mag-ulyanin kaya wala nang nakakapunta dito.
KAPITANA: Kamusta na ba sya?
MARITES: Wala na po sya, isang taon na. Kaya nga rin po ako pumunta dito kasi sa akin iniwan itong bahay. Tingnan ko sana kung mapapakinabangan pa.
Titingnan uli ni Marites ang bahay.
MARITES: Kaya lang medyo mukhang napabayaan na talaga. Maraming aayusin.
KAPITANA: Naku oo, kasi matanda na rin yung caretaker nyan. Pero huwag kang mag-aalala kung gusto mong magpaayos, sabihan mo lang ako at akong bahala.
Mapapadaan si JUNJUN, 15 yo, errand boy ng barangay, nakabike, magtataka kung sino si Maria Teresa. Tatawagin sya ni Kapitana
KAPITANA: Ayan! Junjun tara nga dito. Ito, ito si Marites, sya na may-ari nitong bahay na ito. Samahan mo muna sya at tulungan mo ha.
Tatango si Junjun. Ipapark yung bisikleta sa may gate,
KAPITANA: O sya, nasa mabuting kamay ka iha, maiwan ko muna kayo at may pa-binggo kasi ako sa basketbolan. Kung may kailangan ka kumatok ka lang dito sa bahay.
Ituturo ni Kapitana ang bahay nya sa tapat. Sa labas nakatambay ang anak nyang binata na si KENNY, 19 yo. na nagsha-shine ng sapatos
KAPITANA: Hoy Kenny kanina ka pa dyan! Sabi ko mauna ka sa kin sa basketball court di ba?
Mapapakamot ng ulo si Kenny at tatayo na.
KAPITANA: Anak ko yun si Kenny. Pwede ka ring tulungan nun, akong bahala. Lalamya-lamya lang minsan pero mabait yan.
Tatango si Marites. Aalis na si kapitana kasunod si Kenny.
Maglalabas ng susi sa bag niya si Marites at susubukang buksan yung kandado.Makikita na mahihirapan siya kaya kukunin ni Junjun yung susi at sya na ang magbubukas.
Mula sa loob ng bahay bubukas ang pinto at makikita si Marites at Junjun na tumitingin mula sa pinto. Maluwag ang loob pero maalikabok, may mga agiw, may mga kalat na kahoy, may kakalabog shortly tipong kahoy mula sa kisame na nahulog. Mukhang madidismaya sa makikitang kondisyon ng bahay si Marites. Magkakatinginan sila ni Junjun.
All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.
Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com



Comments