top of page
Search

CHAPTER 1: Ang Bagong Salta

Updated: Jun 23, 2022




Ang Barangay Iba ay isang tipikal na barangay sa bandang norte. Isang mahabang hilera ng mga bahay na magkakatapat, magkakakilala ang mga magkakapitbahay at mukha namang nagkakasundo sila.


May nagda-dama sa tabi ng daan. May mga batang naglalaro ng patintero. May mga nanay na naglalaba sa gilid ng bahay gamit pa ang palo-palo. May sari-sari store kung saan may mga nakatambay.


Sa bukana ng kalye makikita ang bahay nila LORENA, 26 years old, at FELIX, 28yo, mag-asawang dalawang taon nang kasal. Sa bintana makikita si Lorena na nakatanghod at may kausap na kaibigang babae, si BELINDA, 27yo, kapitbahay at kaibigan nyang matalik. Nagtsitsismisan at nagtatawanan ng malakas na dinig na dinig hanggang kanto. Lalabas ng pinto sa harap ng bahay si Felix.


LORENA: Hoy saan ka na naman pupunta?

FELIX: Magtatrabaho!


Iirapan ni Felix si Lorena halatang irita sa asawa.


LORENA: Huwag na huwag kang magpapagabi na naman dyan sa trabaho mo na yan makakatikim ka na talaga sa kin!


Tatawid si Felix ng kalye at pupunta sa tindahan sa tapat para bumili ng yosi.

Habang nangyayari ito may paparating na jeepney, hihinto sa tapat ng bahay ni Lorena, sisilip ang tsuper. Makikita sila at tatanungin.


TSUPER: Pwede bang magtanong? Di ba't ito yung Kalye Crisostomo ng Iba?

LORENA: Oo, bakit?

TSUPER: Saan ba dito yung bahay ng matandang Poleng?


Mag-iisip si Lorena.


BELINDA: Ah yung bahay sa dulo pero wala nang nakatira dun matagal na, binabalikan na lang nung tagabantay paminsan-minsan.


Tatango yung tsuper, lilingon sa likod may kakausapin sa loob ng jeep.


May bababa sa jeep, si MARIA TERESA, 28 yo, maganda, naka-bestida at may dalang bag at maletang de gulong.


Mapapatingin sa kanya yung mga kapitbahay, pati si Felix na nakatambay sa tindahan.


MARIA TERESA: Lalakarin ko na lang. Salamat!


Tatango yung tsuper at kakaway kila Belinda bago iatras ang sasakyan. Maglalakad na papunta sa dulo ng kanto si Maria Teresa habang pinagtitinginan pa rin sya ng mga kapitbahay.


LORENA: Sino yan?


Magkikibit-balikat si Belinda.



All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

 
 
 

Commentaires


follow us:
  • White YouTube Icon
LDC
Sa alamat na ito, sino si ba ang totoong Marites?

All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

Thanks for submitting!

© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page