top of page
Search

Chapter 6: Ang Tindera

Updated: Jun 23, 2022


Ito na ang sumunod na araw mula nang dumating si Maria Teresa sa Barangay Iba.


Umaga at magkasama si Jun jun at Felix, nasa tapat sila ng bahay ni Kapitana. Ikinadena muna ni Junjun yung bike nya sa bakod ni Kapitana atsaka niya sinenyasan si Felix na nagyoyosi, para umapit na sila sa bahay ni Maria Teresa. Huling hithit at buga, hinulog ni Felix ang natirang yosi sa kalsada atsaka tinapakan, lumapit na siya kay Junjun, sabay silang lumakad papunta sa bahay at kumatok.


Bumukas ang pinto, si Maria Teresa, na dahil kay Kapitana tatawagin na nating Marites mula ngayon. Maayos naman ang itsura, makikita niya si Junjun at ngingitian nya ito. Ipapakilala ni Junjun si Felix. Ngayon lang nakita ni Felix nang malapitan si Marites, makinis ang mukha, maputi at may kung anong alindog ang dala na hubog sa suot nitong T-shirt at maiksing shorts. Maganada pala talaga siya. Sisikuhin siya ni Junjun at dun siya natauhan, nakatitig pala siya. Matatawa lang si Marites at papapasukin na silang pareho sa bahay.


Mga limang minuto ang nakalipas, lumabas ang katulong ni kapitana na si Nancy, makikita nya sa tapat ng bahay na iniwan ni Felix. Kahit naiinis kinuha nito ang walis tingting para walisan ang kalsada, saka naman mapapadaan si Malou na katulong din pero sa kabilang dulo ng kanto. Magbabatian pa lang ang dalawa nang may marinig silang tili ng isang babae mula sa bahay ni Marites. Magkakatinginan ang dalawang nasa kalsada, umiral ang malisya at magtatawanan.


Mapapadungaw ng bintana si Kapitana, narinig din yung tili, makikita na nasa kalsada na si Nancy at Malou.


KAPITANA: Hoy ano yun?


Ngumingising tinuro ni Nancy ang bahay ni Marites. Magtataka si Kapitana, pero mukha namang walang masamang nangyayari kaya babalik na lang uli sa loob ng bahay nya.


************************

Kinagabihan sa tindahan sa kanto, magkakasama na sina Benok at Dong, pati ang anak ni kapitana na si Kenny, nag-iinuman.

BENOK: Ate Elen! Pa-order nga ng isa pang round nito.


Bubukas yung maliit na bukasan sa harap ng tindahan, sisilip ang isang babae, may salamin mukhang masungit. Si ATE ELEN, 35yo


ELEN: Anong order? Anong kala mo dito beer house?!


BENOK: Ito naman di na mabiro. Sige na pagbilhan ng tatlo pang bote.


Maglalabas si Elen ng tatlong bote ng beer. Mukha lang masungit si Ate Elen pero ang totoo nagpapasalamat sya sa mga tomador ng Barangay Iba, mula nang matengga dito itong mga to matic nang may taga-ubos ng mga alak na paninda niya, at dapat lang maubos ang mga ito, hindi para sa kita nya, kundi para may dahilan uli siyang makita si Diego- ang dreamboy nyang delivery man.


Kailan pa ba siya huling naka-order? Mag-iisang linggo na. Tanghali na noon, session nila ng tsismisan ni Nancy. Dumadaan yun dito pagkagaling sa barangay hall pagkahatid ng tanghalian ni Kapitana. Tatanghuran siya ni Elen mula sa bukasan sa harap ng tindahan para makibalita sa mga maiinit na tsismis ng barangay.


NANCY: E ayun na nga Ate Elen, ang balita ko inurong nga raw ang kaso kasi wala raw matibay na ebidensya.


ELEN: O e paano nangyari yun? Kaya nga sya dinampot kasi...


May bumusinang sasakyan, kilala ni ELen yun kaya sya natigilan. May delivery jeep na papalapit na sa tindahan. Bumusina pa uli ng isang at magpapanic na nga ng tuluyan si Elen.


ELEN: Ay! O sige, mamaya ka na bumalik at ayusin ko lang tong mga inorder ko.


Magtataka naman si Nancy, pero oo nga maglilinis pa sya ng bahay bago umuwi si Kapitana.


NANCY: O sige balik ako ng hapon.


Aalis na si Nancu. Conscious naman si Elen na aayusin ang sarili, susuklayin ng bahagya ang panat na panat na buhok na nakapusod. Lalakad palabas, may mga matatabig pang kahon ng chichirya at nang kung anu-ano pa, pero ang nakakapuno talaga sa maliit nyang bahay ay mga case ng beer.


Mula sa sasakyan bababa ang delivery man na si DIEGO, may itsura moreno pero hindi mukhang dugyot. Ang totoo nga, hindi sya mukhang delivery man, mas mukha syang tagabasa ng kuntador ng Meralco kasi may kwelyo at plantsado ang suot at may hawak syang malaking calculatot at checklist, minamanduhan nya yung assistant nya kung saan ilalagay yung mga delivery.


ELEN: Hi Diego!

DIEGO: Hello Ate Elen!


ELEN: Ito naman sinabi ko na sa yo noon Elen na lang, di tayo nagkakalayo ng edad.


May awkward na ngiti dito si Diego.


Lalapitan sila ng alalay ni Diego.


ASSISTANT: Puno na yung estante sa likod na sinabi mo.


ELEN: Ay! Hindi-hinde ilagay mo na lang sa sahig ako na bahala.


Aalis uli si assistant dala yung box. Chinechek ni Diego yung listahan ng mga order.


DIEGO: Di ba kaka-order mo lang nito nung isang araw?


Ipapakita niya kay Elen yung nakalista, kinilig naman si Elen nang lumapit sa kanya si Diego.


ELEN: O-oo pero mahirap kasing maubusan kaya umorder na ako agad.


Pupunitin na ni Diego ang invoice mula sa booklet. Mapapatingin si Elen sa muscle nito sa braso, mapapakagat labi. Pero matitigilan sa pagpapantasya, napansin nya kasing nakatingin si Diego sa kanya at nagtataka habang inaabot yung pinunit na invoice.


DIEGO:...Ito na yung resibo.


Matatauhan si Elen at kukunin na yung pambayad nya sa wallet na nakaipit sa bra. Iaabot nya kay Diego, smile uli ng weird si Diego habang nag-aalangan sa inabot na pera na galing sa boobs, tapos sesenyas na para bumalik sa sasakyan yung alalay nya habang lumalakad ito papunta sa driver's side. Naintidihan naman siya nito kaya sumakay na sa passenger seat habang nawiwierdan din sa lagkit ng tingin ni Elen kay Diego. Magda-drive na sila palayo.


Kakaway na si Elen sa kanila.



All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com


 
 
 

Comments


follow us:
  • White YouTube Icon
LDC
Sa alamat na ito, sino si ba ang totoong Marites?

All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

Thanks for submitting!

© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page