Chapter 7: Ang Sirang Tubo at Basang T-shirt
- Aileen Kessop
- Jun 23, 2022
- 3 min read
Nakabukas ang maliit na bintana sa harap ng tindahan kaya nakikita mula sa labas si Elen na nagde-daydreaming pa rin habang tinutuloy nila Benok ang pag-iinuman.
Tanaw mula sa tindahan ang bahay ni Lorena at Felix. Nagbubunganga si Lorena na naririnig ng halos buong Kalye Crisostomo, maya-maya pa lalabas ng bahay si Felix. Mula sa labas ng pinto magsisindi na ito ng yosi at tatawid papunta sa tindahan.
BENOK: Ano na naman bang pinagpuputok ng buchi ng asawa mo?
FELIX:Gabi na raw kasi akong umuwi. Natural nagtatrabaho ako. Siya kaya ang magtrabaho tapos ako ang magbunganga sa kanya sa bahay.
BENOK: Saan ka ba kasi nanggaling?
FELIX:... Dyan kila Marites.
DONG: Kamusta pre? Nakilatis mo ba ng mabuti?
Aabutan ng tagay ni Benok si Felix. Iinumin niya ito, ninamnam, nag-iisip kung paano sisimulan ang kwento. Maya-maya pa, nagsalita na ito.
Maaalala natin na nung umaga na yun ang unang beses na pumunta si Felix sa bahay ni Marites kasama si Junjun, pero sa utak ni Felix, yung sandaling buksan ni Marites and pinto at nakita nya ang mukha nito at ang kurbada ng kanyang katawan, wala nang ibang tao sa paligid. maganda si Marites kahit ngayon sa alaala ni Felix nakikita nya kung gaano kakinis ang mukha, sariwa, walang make up pero ikumpara sa mukha ng asawa nyang si Lorena na kahit gaano pa kakapal ang koloreteng ilagay ay hindi kayang habulin ang natural na ganda ni Marites.
Sa pagkakaalala niya, yung tingin din sa kanya ni Marites, tipong gusto rin nito ang nakita kay Felix kaya nga hindi ito nag-alangan na papasukin siya, siya lang- hindi na nya maalalang kasama nya si Junjun, baka nga kinakausap pa siya pero hindi na nya narinig dahil ang nakikita at naririnig na lang nya ay ang bawat kilos na ginagawa ni Marites. Susundan nya ito mula sa pinto, inaaya syang sundan siya nito papasok ng bahay.
Para syang nasa isang panaginip, ganito siguro ang pakiramdam ng mga naeengkanto.
BENOK: Teka, di ba kaya ka nandun kasi may pinapaayos daw sa yong sirang tubo?
Matitigilan sa pagpapantasya niya si Felix, matatauhan. Oo nga pala.
FELIX: Oo nga, kinukwento ko pa lang yung intro.
BENOK: Ah matinde!
Naalala ni Felix na pinakita sa kanya ni Marites kung nasaan ang banyong may sirang tubo. Luma na ang disenyo ng banyo pati ang mga tubo ay kalawangin na. Sinisipat ito ni Felix. Lumapit si Marites para tingnan din ang tubo.
MARITES: Sa tingin mo maaayos pa ba yan?
FELIX : Medyo mukhang palitin na e.
Nang lumingon si Felix sa kausap parang naengkanto na naman sya. Nung una hindi naman sa kanya nakatingin si Marites, pero nang lumingon din ito sa kanya, tila napuno yung banyo ng usok at kakaibang liwanag. Nakita ni felix na dinampot ni Marites ang yabe de tubo na nasa sahig, sa harap ni Felix hinagod nya ang hawakan, sa tila hapong boses sinabi nyang
MARITES: Ganun ba?

Hindi makagalaw si Felix, pinapanood lang nya ang bawat gawin ng babae sa harap nya, at tila alam nitong pinapanood din siya. Itataas nya ang yabe at mahinang kakatukin ang tubo. Biglang sisirit ang tubig at dahil napakalapit ni Marites mabababasa yung t-
shirt nya. Mapapanganga si Felix sa nakikita, wala ba talagang suot na bra ito mula pa kanina? Bakit ngayon kitang-kita nyang bumabakat sa basang T-shirt nito ang...
Tila lumagkit lalo ang hangin sa banyo, bumagal ang takbo ng oras at lalong naging mapang-akit ang mga galaw ni Marites sa harap ni Felix. Tila lalo pang lumakas ang sirit ng tubig at basang-basa na siya ngayon, parang nanonood si Felix ng
photo shoot, ano nga uli yun? Yung Sports Illustrated, ganito ang dating sa kanya ng nakikita nya sa harap nya ngayon.
Huminto sa paggiling si
Marites, kahit tuloy-tuloy lang ang sirit ng tubig, tumingin ito kay Felix ng malagkit at tinaas ang kamay tila inaaya niya itong lumapit sa kanya, samahan syang maligo sa tubig.
MARITES: Felix... Felix...
Mula sa nang-aakit na boses ni Marites biglang mag-iiba yung boses at magiging boses, matinis pa rin pero alam mong hindi galing sa babaeng nasa banyo at basang-basa kundi kay Junjun na nakatayo ngayon sa harap nila Benok at Felix sa tindahan ni Aling Elen.
JUNJUN: Felix!
All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.
Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com
Comments