CHAPTER 4: Ang Tubero at Ang Kanyang Asawa
- Aileen Kessop
- Jun 14, 2022
- 5 min read
Updated: Jun 23, 2022
Sa tindahan sa kanto, pinapanood nila Felix, Benok, at Dong si Junjun habang nagba-bike ito palayo sa kanila.
BENOK: Sungit talaga ng batang yon! (haharap kay Felix) Ano pre? Sama ka ba sa ‘ming mag-apply sa Marina?
FELIX: Itutuloy nyo pa rin yun?
BENOK: Oo, sayang anim na buwan tiba-tiba. Kaya nga di na umuwi ng Ilo-ilo tong si Dong e, naghihintay makasampa ng barko. Ano? Sama ka?
FELIX: Ayoko pre, hindi rin naman ako matatanggap di pa kumpleto requirements ko.
BENOK: Ikaw naman kasi inuna mo pa yang si Lorena.
FELIX: Alam mo naman yung nangyari di ba pre?
Magdadalawang taon na halos ang nakakalilipas. Binata pa si Felix noon, bunso sa pamilya nila, sustentado, pinapadalhan ng mga nakatatandang kapatid na nasa abroad ng pera noon kaya kahit walang trabaho, komportable syang namumuhay, pero dahil na rin sa barkada naisipang kumuha ng BSMT, balak naman nya talagang tapusin para makapag-seaman, pero naimbitah sya sa isang piyestahan. May itsura naman kahit papaano si Felix, batak ang katawan dahil sa training, lapitin ng mga babae kahit sa piyestahan na yun. Medyo naparami nga lang ang inom.

Kinaumagahan, nagising si Felix na nakahiga sa sa isang kamang hindi kanya. Nagtaka pa siya kung paano syang napunta dun, napansin nya ring may nakayakap sa kanyang babae. Sinubukan ni Felix humiwalay sa pagkakayakap nito, habang inaalala kung anong pangalan... si Lorena.
Uungol ito at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Sa ilalim ng kumot uukyabit ang mga binti nito sa binti ni Felix. Dun mapapansin ni Felix na pareho pala silang walang suot.
Akmang babangon na si Felix para ayusin ang sarili biglang bumukas ang pinto noon.
Pumasok ang isang lalaki na may dalang itak, kasunod niya ang isang matandang babaeng pinipigilan ito habang umiiyak.
Naalimpungatan si Lorena magtatakip ito ng katawan gamit ang kumot, nag-agawan pa sila ni Felix dahil ayaw din nyang ma-expose, kaya lalo silang nagdikit.
LORENA: Itay! Inay!
Kita ang ang pagka-dismaya ng ama ni Lorena sa kanya, mapapalingon ito kay Felix na ngayon lang nya nakita sa tanang buhay nya.
TATAY: Walang hiya kang lalaki ka! Nilapastangan mo ang anak ko!
LORENA: ‘Tay huwag mo syang sasaktan, mahal ko sya!
TATAY: Anong mahal-mahal?! Kahapon mo lang nakilala yan! Nakikain lang dahil piyesta, biglang mahal mo na?
Aambaan ng itak si Felix.
LORENA: ‘Tay tama na!
NANAY: Tama na! Baka masaktan mo anak natin!
Hindi na makapag-isip ng tama si Felix. Hindi naman sya makakatakbo palabas dahil bukod sa nakaharang ang dalawang sumugod sa kanila sa pinto, wala rin syang suot. At nung sandaling yun, kung ano mang katangahan ang kumubabaw sa kanya, nasabi nya ang mga katagang habang buhay na nyang pagsisisihan.
FELIX: P-p-pananagutan ko po ang anak nyo, huwag nyo lang po akong sasaktan. Pag-usapan po natin.
Tumigil sa pang-aamok si Tatay.
TATAY: Paanong pananagutan?
FELIX: P-pakakasalan ko po sya sa lalong madaling panahon.
Nagkatinginan ang tatay at nany ni Lorena na parang hindi makapaniwala.
NANAY: Teka, teka anong ipapakain mo sa anak namin pag nagpakasal kayo?
Nakahinga ng kaunti si Felix, nagpasalamat na hindi sya macha-chop chop. Kailangan na lang nyang pangatawanan.
FELIX: Huwag po kayong mag-alala, sustentado po ako ng mga kapatid ko na nasa ibang bansa.
Nagtinginan uli ang dalawang matanda. Halos sabay na lilingon uli kay Felix.
NANAY: Ikaw Lorena? Payag ka bang pakasalan yan?
Mapapatingin si Lorena kay Felix, mapapakagat labi at yayakap kay Felix.
LORENA: Opo!
Tatapikin ni nanay si tatay sa balikat para magsalita.
TATAY: O-o sige, sa munisipyo tayo. Gawin na natin to sa lalong madaling panahon!
Tatalikod na si tatay, pero haharap uli kila Felix.
TATAY: Magbihis na kayo!
Sandaling nagpanic uli si Felix at Lorena. Baka nga naman bawiin pa. Nung panahon na yun naisip ni Felix, hindi na rin siguro masama, maganda naman si Lorena, sya ang pinaka- may itsura sa mga nagpapansin sa kanya kahapon. Sexy din naman, makinis, at higit sa lahat nag-enjoy sya sa ginawa nila kagabi. Habang tinitingnan nya noon si Lorena pasimple rin syang tiningnan nito, napakagat labi at tuluyang natawa, mukhang pareho sila ng naisip. Ang hindi nila alam...
Pagkalabas na pagkalabas ng pinto ng mga magulang ni Lorena, sinara nila ng maigi ang pinto. Biglang nag-iba ang disposisyon ng dalawa. Nagpigil sila ng tawa.
TATAY: Aalis na rin sa wakas yang maldita na yan!
Nag-apir silang dalawa ni nanay. Pero naalala na baka marinig sila kaya nagsenyasan silang manahimik na uli.
At yun ang ang simula ng kalbaryo ni Felix kay Lorena, na ngayon ay asawa na nya. Mula sa tindahan sa kanto kung saan naroroon sila nila Benok, kita ang bahay nila sa tapat, at sa bintana nakadungaw doon si Lorena na nakikipagtawanan ng malakas kasama ang bestie nyang si Belinda. Napabuntung-hininga si Felix.
BENOK: Ngayon ka pa magrereklamo, dalawang taon na kayong kasal.
FELIX : Hindi naman ako nagrereklamo ah.
DONG: Ang tanong, nag-enjoy ka ba?!?
Si Dong at Benok naman ang nagtawanan ng malakas na ikakainis ni Felix kaya naglakad na rin itong pabalik ng bahay nila.
Papasok si Felix at makikita nya si Lorena at Belinda na kinikilig habang may binabasang showbiz magazine. Iirapan sila ni Felix, makikita sya ni Lorena.
LORENA: Aba himala, maaga ka yatang umuwi?
FELIX: Ayaw mo yata, aalis ako uli.
LORENA: Gagong to!
FELIX: Umuwi na ko kasi may trabaho uli ako bukas. Ano bang problema mo? Sino na naman ba yang pinagtitilian nyong yan?
LORENA: Sino pa e di si Brando Valdez, Ayan o! Sinong hindi mapapatili dyan?
Ipapakita ni Lorena yung centerfold ng isang lalaking macho na naka-pose mala-Fabio. Sisipatin ni Felix. Alam nyang die-hard fan pareho ni Brando ang asawa nya at ang bestie nitong si Belinda. Sa isip nya, maputi lang naman to, mas guwapo ang mga morenong kagaya nya.
FELIX: Sus! Wala namang kalatoy-latoy yang Brando na yan.
Kita ang pagka-insulto kay Lorena at Belinda. Hindi na nakatiis si Belinda
BELINDA: Hoy! Ano ka? Si Brando kaya ang pinaka-machong leading man ngayon, pinag-aagawan nga sya ng mga hot chicks.
FELIX: Sinong mga hot chicks? Kayo?
LORENA: Tanga! Yung dance group sa show sa TV!
FELIX: Ah! Teka! Sya ba yung nasa blind item na nahuli daw na may kasamang ibang babae sa Baguio?
LORENA: ...Hindi sya yun!
FELIX: Oo, sya yun, tapos tinanggi nya sabi nagpa-change oil lang daw sila sa Pampanga.
Mapapa-iling ng sabay si Lorena at Belinda, mukhang naiinsulto na para sa crush nila. Bigla nilang narinig ang sigaw mula sa labas. Si Benok makikisawsaw mula sa kalsada.
BENOK: Sino yan, yung may nunal? Tapos 8 pack abs?
Dudungawan sya sa bintana si Felix.
FELIX: Oo pare.
BENOK: Bakla naman daw yan!
BELINDA: Hoy sino nagsabi?
BENOK: Oo, sabi sa radyo, front lang daw yung mga chicks! Kasi mas gusto nya tinitira sya sa likod.
Mapapatawa ng malakas sina Felix at Dong. Sila naman ngayon ang iirapan ni Lorena.
Masama rin ang tingin ni Belinda kay Felix, napipikon na rin.
BELINDA: Bestie, uwi na ko ha. Sumama na yung hangin, baka gutom na rin si lola sa bahay.
Tatango si Lorena. Lalakad na palabas ng bahay nila si Belinda.
All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.
Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com
Comments