top of page
Search

Chapter 8: Ang Masunuring Anak


Nasa gitna ng pagkukwento si Felix nang matigilan at mapatinginsilang lahat kay Junjun. Nakatayo na pala ito sa harap nila habang hawak ang bike nya. Iba ang tingin nito kay Felix, tila kinakastigo.

Matatauhan si Felix at titiklop. Aayosin ang pagkakatayo at haharapin ng mabuti si Junjun.


FELIX: Bakit ba?


Magbubuga ng malalim na hinga si Junjun. Titingnan ang mga kasama ng kinakausap na mukhang dalang-dala sa kinukwento bago siya nang-istorbo.


JUNJUN: Pinapasabi sa yo, kung pwede raw sana agahan mo bukas para magamit yung banyo.


Mapapakamot ng ulo si Felix. Magtatawanan yung mga kasama.


BENOK: O may part 2 pa pala bukas!


Mapapatingin si Junjun kay Kenny na nakikitawa rin.


JUNJUN: Kenny may gagawin ka ba? Pwede ka bang mamintura dun?


Mag-iisip sandali ang binata, pwede naman, tatango siya kay Junjun.


KENNY: Sige pero tanghali pa ko pwede kasi may pinapagawa pa si mama.


JUNJUN: Sige pumunta ka na lang dun bukas, kilala ka naman nya.


Sasakay na si Junjun ng bike atsaka aalis. Itutuloy lang ng mga lalaki ang inuman.


BENOK: Ayan! Si Kenny na ang bagong sugo.


Magtatawanan sila Benok. Pilit namang tatawa si Kenny, sa totoo lang minsan hindi masakyan ni Kenny ang sense of humor nitong mga kasama niya, pero pwede na rin, maskaya nyang tiisin ang pagka-barako nitong mga to kaysa yung mga kasama nya sa bahay. Wala syang choice mula nang tumigil muna syang mag-aral. Wala naman kasi siyang balak maging tambay, pero sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nagkaganito, kung sana lang mas naging matapang siya nung araw na kailangan nyang kausapin ang nanay nyang si Kapitana tungkol sa problema nya.


Naalala nya yung araw na dahilan ng pagiging tambay nya. Ilang buwan lang ang nakakaraan, enrollment nya dapat sa Kolehiyo, pang 2nd year na dapat nya ito sa Engineering, pero kahit anong pilit nya hindi nya talaga kayang ituloy ang kurso na yun. Kaya pinraktis na nya ng husto kung ano ang gagawin at sasabihin nya sa nanay nya.


Sa loob ng kwarto ni Kenny, mas makikilala mo kung sino si Kenny. Sa dingding may mga poster ng mga Japanese pop stars. Maraming items around na Japanese, mga manga (comics) sa study table, mga anime figurines sa estante. Nang araw na yun pinapraktis ni Kenny for the last time ang sasabihin, nakatayo siya sa harap ng salamin.


KENNY (PABULONG): Mama, ayoko nang mag Civil engineer, gusto kong mag-tourism, gusto kong makapunta ng Japan, gusto kong makilala si papa... gusto kong...


Bigla niyang maririnig ang boses ng nanay nyang si Kapitana mula sa labas ng pinto.


KAPITANA: Kenny!


Mapapa-hingang malalim si Kenny. Lalabas siya ng pinto ng kwarto at makikita si Kapitana na nakabihis na pang-alis. Ang katulong nilang si Nancy ay naglalampaso sa likod pero mapapahinto ito sa ginagawa, mapapatingin silang pareho ni Kapitana kay Kenny.


KAPITANA: O? Anong nangyari? Bakit di ka pa bihis? Male-late tayo, baka maubusan ka ng slots.


KENNY: M-ma...


KAPITANA: Ano?


KENNY: Ayokong mag-enrol.


KAPITANA: Ha? Bakit?


KENNY: Ayoko nang mag-civil engineer.


KAPITANA: Luh! Ano na ang gusto mo?


Mapapaisip si Kenny susubukang i-recite yung minememorize nya pero walang lumalabas na boses sa bibig kahit anong buka nito. Magtataka si Kapitana.


KAPITANA: Hoy! Anong nangyayari sa yo?


Hindi pa rin makapagsalita si Kenny. Kinakabahan, hindi pa nya kahit kailan sinuway ang ina, sa sobrang pagka-dismaya sa sarili tatalikod na lang at babalik sa kwarto niya. Isasara ang pinto.


Maiiwan si Kapitana na nakanganga at nagtataka, ibababa nya ang bag na dala sa sahig. Magtitinginan sila si Nancy na nagtataka rin sa ginawa ni Kenny.


Mula nung araw na yun iniiwasan na ni Kenny na kausapin sya ng masinsinan ng ina. Hindi rin naman siya pinilit ng ina. Mabait si Kapitana sa anak, sa totoo lang hindi siya kahit kailan pinagbuhatan ng kamay, pero natatakot si Kenny na kapag nalaman ng ina ang tunay na dahilan kung bakit gusto nyang magpalit ng kurso baka dun nya talaga masagad ang pasensya ng ina. Kaya iniiwasan nya ito, titiisin na lang muna nya yung mga corny na patawa nila Benok at Dong, masasanay din siguro sya.


Kinabukasan, Kakatok sa pinto ni Marites si Kenny. Bubukas ang pinto, halatang kinakabahan si Kenny.


Maaliwalas ang awra ni Marites nang makita ni Kenny pagbukas ng pinto. Oo nga, maganda nga siya, naiintindihan na nya kung bakit exaggerated yung pagkaka-kwento ni Felix kagabi.

Papapasukin sya ni Marites pero lalabas bigla si Felix na walang suot na T-shirt.

Medyo malilito si Kenny. Bakit ganito itsura nitong si Felix?


bago tuluyang makalayo si Felix, magpapasalamat si Marites sa kanya tatango lang si Felix, tsaka sya mapapalingon kay Kenny na nakanganga pa sa pagtataka. Kikindatan sya ni Felix.


Papasok na si Kenny at isasara ang pinto.


Sa tapat ng bahay ni Marites, nakapwesto na si Nancy at Malou, saktong nakita nila ang nangyari, lalo na ang paglabas ni Felix sa bahay ng dalaga na hindi suot ang T-shirt. Tahimik nilang sinundan ang lalaki habang naglalakd ito palayo. Magkabuluhan ang tinginan ng dalawa nang pareho nilang natantsa na malayo na si Felix para di na sila marinig. Nagtawanan ang dalawa, mga malisyosa. Alam na this!


All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

 
 
 

Comentarios


follow us:
  • White YouTube Icon
LDC
Sa alamat na ito, sino si ba ang totoong Marites?

All characters and storylines are copyrighted under the author and Lucid Dreams Creatives. Any adaptation in print or other formats should be arranged through LDC. Fan arts are welcome just mention us in your socials and we'll appreciate it.

Contact us at: luciddreamscreatives@gmail.com

Thanks for submitting!

© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page